Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Drayber, minartilyo bago tinangay ang motorsiklo nito sa Kabacan

By: Rhoderick Beñez
(Kabacan, North Cotabato/ May 11, 2015) ---Tinangay ng  di pa nakilalang suspek ang isang motorsiklo sa panibagong carnap incident sa bahagi ng brgy. Kayaga papuntang Brgy. Magatos, Kabacan, Cotabato alas 3:30 kahapon ng hapon.

Sa ulat na ipinarating ngayong umaga sa DXVL News Radyo ng Bayan ni PI Arvin John Cambang ng Kabacan PNP kinilala nito ang biktimang drayber na si Siban Pinter Makalampao, 20-anyos, residente ng Brgy. Bood, Pikit, Cotabato.

Batay sa ulat, pinakyaw umano ng suspek ang biktima upang magpahatid sa brgy. Magatos. Pero pagdating nasabing lugar ay kanyang pwersahang kinuha ang motor ng biktima.

Matapos na sinapak ng suspek si Makalampao sa ulo ng dalawang beses, gamit ang isang martilyo.

Walang nagawa ang biktima kundi ibigay ang kanyang motorsiklo.

Mabilis namang tumakas ang suspek sa direksiyong papunta ng Brgy. Magatos.

Agad namang nagkasa ng dragnet operation ang Kabacan PNP pero bigo silang mahuli ang suspek.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento