Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pupunta lang sana ng bukid, magsasaka, itinumba!

By: Rhoderick Beñez

(Kidapawan city/ May 11, 2015) ---Limang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang tumapos sa buhay ng isang magsasaka makaraang pagbabarilin ng riding tandem assassins sa panibagong krimen na naganap sa Purok San Vicente, Brgy. Paco, Kidapawan City pasado alas 6:00 ngayong umaga lamang.

Kinilala ni Supt. Franklin Anito, pinuno ng Kidapawan city PNP ang biktima na si Gerard Henteron, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

Lumalabas sa inisyal na pagsisisyasat ng mga kapulisan na patungo ang biktima sa kanyang sakahan ng tambangan ng riding tandem.

Umalingawngaw ang limang putok ng baril sa di kalayuan at nakasigaw pa ang biktima sa pangalan ng kanyang Misis, bago ito nalagutan ng hininga.

Pagkarinig ni Dayreen Corpuz, misis ng biktima agad na tinungo ang pinangyarihan ng insidente at di ito makapaniwala na nangyari sa kanyang mister.

Matapos maisakatuparan ang masamang balakin agad na tumakas ang mga suspek na naka-bonnet sakay ng kulay pulang XRM motorsiklo papalayo sa di malamang direksiyon.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento