Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mister patay matapos barilin ng mismong kainuman sa bayan ng Pikit, North Cotabato

By: Rhoderick BeƱez

(Pikit, North Cotabato/ April 21, 2015) ---Patay ang isang mister makaraang pagbabarilin ng mismong kainuman nito sa panibagong krimen sa Sitio Manding sa bayan ng Pikit, lalawigan ng North Cotabato ala 1:30 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ni PInsp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP sa panayam ng DXVL News ang biktima na si Albert Wacan Roda, may asawa at residente rin ng nabanggit na bayan habang nakilala naman ang suspek na si Noel Lobo.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Pikit PNP na habang nag-iinuman ang mga ito nang biglang nagkahamunan ang biktima at ang suspek.

Binato umano ng biktima ang asawa ng suspek dahilan upang barilin ito ng suspek.
At dahil sa kapwa may mga baril ang mga ito ay agad na nagbarilan ang biktima at ang suspek ngunit minalas ang biktima dahil agad itong naunahan.


Naisugod pa sa Crusado Medical Clinic ang biktimang si Roda ngunit agad ding idineklarang dead on arrival ng mga doctor. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento