Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Brgy. Kagawad sa Tulunan, NCot, umawat sa away binaril patay

By: Rhoderick BeƱez

(Tulunan, North Cotabato/ April 24, 2015) ---Patay ang isang barangay Kagawad sa panibagong krimen sa Purok 2, Barangay Minapan, sa bayan ng Tulunan, lalawigan ng North Cotabato alas 12:40 kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Insp. Rolando Dillera, OIC ng Tulunan PNP ang biktima na si Alex Alcarde Navallasca, 48-anyos, may asawa at brgy. kagawad ng nasabing barangay habang nakilala naman ang suspek na si Elay Absalon Muscuso, 38-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, bago nangyari ang pamamaril ay nagkainitan ang tiya ng biktima at ang suspek kaugnay sa problema sa hangganan ng lupa.

Biglang dumating ang biktima at inawat ang dalawang nag-aaway kungsaan nagpaputok ito ng dala niyang baril.

Bagay namang pinaputukan din ni Muscuso si Navallasca ng malapitan kungsaan tumagos pa ang bala sa katawan ng biktima.

 Nang makitang bulagta na ang biktima, agad na tumakas ang suspek kasama ang isa pang kasama nito, ayon pa kay PO2 Marvin Bello Mirambel ang imbestigador ng Tulunan PNP.

Naisugod pa ang barangay kagawad sa pagamutan pero ideneklara na itong dead on arrival ng mga doktor, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad at paghahanap sa suspek.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento