Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bigo sa pag-ibig dalagita, nagpatiwakal!

(North Cotabato/ April 21, 2015) ---Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 16-anyos na dalagita makaraang kitlin nito ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagpatiwakal sa tinitirhan nito sa RH 11 sa Cotabato City, Maguindanao kahapon.

Batay sa ulat, alas 4:00 na ng hapon kahapon ng madiskubre na nakabitin ang biktimang si alias “Langga”, hindi niya tunay na pangalan, sa isang nylon belt na nakatali sa pinto ng kusina at naka pulupot sa kanyang leeg ang kabilang dulo. Nabatid na fresh graduate ng Laboratory High school sa lunsod ang biktima nitong buwan lamang ng Marso.


Ayon sa ulat, wala sa bahay at nasa pinapasukang trabaho ang kanyang tiyahin noong Sabado at pansamantalang wala din sa bahay ang katulong.
Tanging kasama lamang nito ang limang taong gulang na batang lalaki na ampon naman ng kanyang tiya.

Pinatulog pa umano ng biktima ang bata bago ginawa ang pagpapatiwakal.

Dakong alas kwatro na ng hapon ng magising umano ang bata bago nadiskubre ang ginawa ng biktima.

Kumuha umano ng silya ang bata bago pinutol ang belt gamit ang gunting.

Nagawa pa itong isugod sa pagamutan ng mga nagrespondeng mga kapitbahay subalit hindi na naagapan pa at binawian din ng buhay.

Narekober naman ang cellphone ng biktima sa tabi nito kung saan tumutugtug ang awiting ‘You raise me up”.

Naiuwi na sa kanyang mga magulang ang labi ng biktima sa North Cotabato kung saan ito pinaglalamayan. Hinihinala naman may kinalaman sa pag-ibig ang dahilan ng pagpapatiwakal ng 16 anyos na biktima.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento