Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga CCTV na naka-kabit sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Pikit, inaasahang makakatulong sa pagsugpo ng kriminalidad sa bayan

By: Mark Anthony Pispis

(Pikit, North Cotabato/ April 21, 2015) ---14 na mga CCTV na ang naka-kabit sa palibot ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Pikit, Cotabato.

Ito ayon kay PInsp. Sindato Karim sa panayam ng DXVL News.

Anya, nakakabit na umano ang lahat ng mga ito ngunit 4 pa lamang sa mga ito ang
gumagana.

Naniniwala naman ang opisyal na makakatulong ito sa kanila upang masolusyunan ang mga krimeng nangyayari sa bayan.

Nanawagan naman si Karim sa mga Pikiteño na makipag tulungan sa kanila para sa pag sawata ng kriminalidad sa bayan.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento