Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, binaril ng barangay Kagawad

(North Cotabato/ May 19, 2014) ---Patay ang isang 33 anyos na magsasaka makaraang barilin, sa harap ng ini- inumang tindahan,dakong Alas singko bente ng hapon kamakalawa. sa Sitio Nueva Fuerza, Brgy Cabaruyan, Libungan, Cotabato.

Kinilala ni Police Chief Inspector Bernard Tayong ang biktima na si Michael Mension, may asawa at may-roong tatlong anak at residente  sa nabanggit na lugar.


Nabatid na umiinom ang biktima sa tindahan ni Maximo Chavez. Habang nagkikipag kwentuhan ito sa may-ari ng tindahan, ay biglang dumating si Bry. Kagawad Carlito Amistoso at kina usap ang biktima hinggil sa alitan nila noong isang araw.

Ngunit sa kahabaan ng kanilang diskusyon, ay napikon si Kagawad Carlito at biglang binaril ang biktima sa kanang bahagi ng kanyang dibdib gamit ang hindi pa matukoy na baril.

Agad namang dinala sa pinaka malapit na bahay pagamutan ang biktima ngunit, idineklara itong Dead on arrival. Narecover naman sa crime scene ang isang basyo ng 30 caliber pistol.Subalit ang suspect na Barangay kagawad, na kinilalang si Carlito Amistoso ay nakatakas naman sa di matukoy na direksyon.


Sa ngayon patuloy parin ang imbestigasyon ng Libungan PNP at puspusan ang hot pursuit operation matukoy lang ang nasabing Barangay Kagawad. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento