Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

30-anyos na lalaki, patay sa shooting incident sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ May 20, 2014) ---Patay ang isang 30-anyos na lalaki makaraang barilin sa bisinidad ng Gana Subdivision, Kidapawan City alas 7:40 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Leo Ajero, City Police Director ang biktima na si Chris Cateel, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat nasa loob ng bahay nila ang biktima ng pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek gamit ang kalibre .45 na pistol.

Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala sa katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon matapos ang insedente.


Sa ngayon patuloy na tinutugis ng Kidapawan City PNP ang responsable sa nasabing krimen para mapanagot sa batas. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento