Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Hepe ng Pres. Roxas PNP at mga police on duty, binigyan ng Commendation

(Pres. Roxas, North Cotabato/ May 22, 2014) ---Ginawaran ng pagkilala ng Office of the MalacaƱang ang Chief of Police ng President Roxas PNP kasama ang police personnel nito sa matapang na pagtatanggol sa kanilang himpilan laban sa mga umatakeng rebeldeng grupo nitong Martes ng madaling araw.

Ang certificate of commendation ay ibinigay ni Police Regional Director 12 PCSupt. Lester Camba sa tanggapan ni Provincial Director PSSupt. Danilo Peralta sa isinagawang press conference sa Cotabato Police Provincial Command kahapon.

Malugod namang tinanggap ito ni PSI Bernabe Rubio, hepe ng Pres. Roxas PNP kungsaan nagtamo ng daplis ng bala sa ulo nito ang opisyal dahil sa insedente.


Matapos ang pulong pambalitaan kahapon agad namang dumiritso si General Camba dito sa USM, Kabacan upang dumalo sa isinagawang “Hardening Terrorist Targets: Operationalizing the “Whole of Nation” Approach through advocacy campaign anf Trainer’s Training” na isinagawa sa CafĆ© Martina. Rhoderick BeƱez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento