Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bakla, kalaboso matapos na magmolestiya sa isang menor de edad

(Libungan, North Cotabato/ May 23, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang bading matapos mangmolestya ng isang menor de edad sa Libungan, North Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Winnie Daligdig, 34 anyos, isang beautician na residente ng nasabing bayan.

Batay sa testimonya ng biktima sa pulisya na itinago sa pangalang "Rudy", 15 anyos, residente ng Alamada, North Cotabato, tinawag siya ng suspek at inalok ng pera kaya sumama ito papunta sa hindi pa matukoy na lugar sa Libungan.

Doon na hinalay ng suspek si Rudy pero pagkatapos ng insidente ay isinuplong ng biktima ang pangyayari sa pulisya.

Boluntaryo namang sumuko sa PNP si Daligdig at inamin ang kahalayang ginawa sa binatilyo.
Una nang inilipat sa Amas Provincial Jail ang suspek kahapon at sinampahan na ng kaukulang kaso.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento