Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Big time drug pusher, timbog sa Midsayap, Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ May 20, 2014) ---Arestado ang isang itinuturing na "big time" drug pusher sa paghahain ng search warrant ng Midsayap PNP at Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-12 sa Barangay Malinao pasado alas 8:00 ng umaga kahapon.

Narekober mula sa suspek na kinilalang si Tonto Usman ang 15 gramo ng shabu, drug paraphernalia, fragmentation grenade, mga bala ng kalibre 45 at M16 rifle.


Ayon kay Midsayap Chief of Police Supt. Reynante delos Santos, sinasabing miyembro ng 14K gang si Usman na isang notoryus na grupo sa Metro Manila. Aniya, isang buwan na nilang sinubaybayan si Usman pero matagal na itong nagtutulak ng ilegal na droga sa PPALMA area.

Katunayan aniya ay hindi bababa ng isang gramo ang ibinenta nito sa kanyang mga buyer na karaniwang nagdadala ng mga baril at bala kapalit ng ilegal na droga.


Nakatakdang samapahan ng PNP ng patong-patong na kaso si Usman ngayong araw. 

Ang magkapatid ay nakatakda ring isailalim sa inquest proceedings sa araw na ito.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento