Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

24-anyos na magnanakaw; kalaboso!

(Kabacan, North Cotabato/ May 19, 2014) ---Kalaboso ang isang 24-anyos na magnanakaw makaraang mahuli sa aktong ipinupuslit nito ang mga RTW’s mula sa ikatlong palapag ng Shoppers mart na nasa Rizal St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:40 kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Renie Matura, binata, walang trabaho at residente ng Kidapawan City.


Pumasok ang suspek at nagpanggap itong kustomer sa nasabing establisiemento na bahagi ng kanyang modus operandi.

Pero ng matunugan ng gwardiya na iba ang ikinikilos ng suspek, kanyang sinita ito para siyasatin pero tumanggi mag-pa-inspeksiyon ang suspek sa halip mabilis na tumakas palabas ng establisiemento.

Sa tulong ng PNP, BPAT at mga tao sa lugar, nasakote ang suspek at narekober ang kinulimbat nitong apat na short pants na maong na nagkakahalaga ng P850.00 ang bawat isa.


Sa ngayon, nasa kustodiya ng Kabacan PNP ang suspek habang inihahanda an kasong isasampa laban sa kanya. USM Devcom Intern Zhaira Sinolinding

0 comments:

Mag-post ng isang Komento