Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isa sa mga biktima ng pagsabog sa North Cotabato binawian na ng buhay

(Midsayap, North Cotabato/ March 6, 2014) ---May kaugnayan sa carnapping at drug related incident ang naganap na pagsabog sa bayan ng Midsayap, North Cotabato dakong alas 8:40 kamakalawa ng gabi.

Ito ang inihayag ni North Cotabato PNP Provincial Director SSupt Danilo Peralta.

Tukoy na rin ng pulisya ang mga suspek at patuloy na tinutugis.


Habang binawian na rin ng buhay ang isa sa mga biktima ng pagsabog na si Charles Monsanto Guhitia dahil sa malubha nitong tama sa ulo.

Nakalabas naman ng pagamutan sina Kryza Jane Torrejas, 13; Virginia Cablas, 56; Quintin Trastisa, 32; Lezel Ann Pocapotan, 14; Paula Angelie Masicampo, 20; Rodrigo Cataytay Jr, 31; at Bernie Cuerpo, 22; na nagtamo ng minor injury.

Matatandaan na dalawang hindi kilalang mga suspek na lulan sa isang motorsiklo ang naghagis ng granada sa gilid ng fish section sa public market sa bayan ng Midsayap North Cotabato na ikinasugat ng mga biktima.

Inatasan naman ni North Cotabato Governor Emmylou”Lala”TaliÅ„o Mendoza ang pulisya na tutukan ang imbestigasyon sa pagsabog sa bayan ng Midsayap.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento