Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mag-asawa, huli sa buybust operation sa Midsayap, NCot

(Midsayap, North Cotabato/ March 11, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng dalawang mag-asawa makaraang mahulihan ng illegal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Midsayap, North Cotabato alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ng Midsayap PNP ang mga suspek na sina Alias Tayan Karim Batogan at ang asawa nitong si Henry Batogan kapwa residente ng Poblacion 5, Midsayap, North Cotabato.


Narekober mula sa posisyon ng mag-asawa ang isang malaking plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shabu.

Bukod pa sa tatlo pang plastic heat sealed sachet at mga empty sachet at mga illegal drug paraphernalia’s na nakita sa isinagawang operasyon ng mga elemento ng pulisya.


Sa ngayon, inihahanda na ang kasong kakaharapin laban sa mga suspetsado. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento