Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nakaw na motorsiklo, narekober ng mga otoridad sa isang lugar sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2014) ---Narekober ng mga otoridad ang isang single na motorcycle sa may bahagi ng Sitio Lote, Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 9:20 kahapon ng umaga.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang narekober na sasakyan ay isang DT YAMAHA 125 na may license plate UK 5091 makaraang abandunahin ng mga salarin sa nasabing lugar.


Ang operasyon at kampanya kontra nakaw na motorsiklo ay pinangunahan ng mga elemento ng Kabacan PNP at mga kasapi ng Barangay Peace Keeping Action Team ng Barangay Magatos na pinamumunuan ni Kapitan Rex Pedtamanan.

Napag-alaman na ang nasabing kulay itim na motorsiklo ay pag-aari at nakarehistro kay kagawad Norodin Balayan ng nasabing lugar.

Ang nasabing sasakyan ay agad namang na-i-turn-over sa may ari matapos na magpakita ito ng mga kaukulang papeles.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Kabacan PNP para mahuli ang mga responsable sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento