Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao nasakote sa pagdadala ng armas sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ February 10, 2014) ---Huli ng Kabacan PNP ang dalawa katao sa pagdadala ng armas sa isinagawang highway check nila sa Barangay Katidtuan, Kabacan, Cotabato alas 5:30 kahapon ng hapon.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP nasakote ang dalawa sa nagpapatuloy na oplan kap-kap bakal at sita ng Kabacan PNP sa mga nagdadala ng armas sa bayan na walang kaukulang permit o illegal possession of firearms.


Kinilala ang mga suspek na sina Jomary Dres Pinansalog, 38-anyos habang nakilala naman ang angkas nito na si Kadil Tambilawan Mukalam, 37-anyoskapwa residente ng Purok II, Barangay Kitulaan, Carmen, North Cotabato.

Sa ginawang pagsisiyasat ng PNP nakitang may salukbit na armas si Mukalam dahilan para arestuhin ang dalawa.

Nakuha mula sa posisyon nito ang kalibre .22 na pistol at mga bala.

Sa ngayon ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Kabacan PNP habang ipapasuri naman sa Provincial Crime lab ang nakumpiskang baril at bala mula sa mga suspek habanginihahanda na ang kasong kakaharapin ng mga ito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento