Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Reaksyon ng taongbayan, kinilig sa Love Notes

(Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2014) ---Kinilig ang buong bayan sa Ika-anim na taon ng Love Notes with Oliver Twist Valentines Special ngayong taon.

Naging maganda ang pagtanggap ng mga tagapakinig sa taunang programang ito ng DXVL KOOL 94.9  FM na nagsimula noong taong 2006 bilang bahagi ng paggunita sa buwan ng mga puso.

Naiiba sa mga nakaraang taon, isinadula ang mga piling liham na ipinadala at umire ito mula noong lunes, Pebrero a-10 hanggang kagabi.
Iba’t-iba ang reaksyon ng mga tagapakinig nito at sila ay may kanya kanya na ring “bet” na manalo para sa Valentines Special ng Love Notes With Oliver Twist Ngayong taon.


Mula sa limang official entries, mamayang ala una ng hapon, malalaman kung kaninong kuwento ang tatanghaling grand winner na makakatanggap ng cash prize worth  P 3,000, valentines date, cake, make over at photoshoot.

Lubos naman ang pasasalamat ng host ng programa na si Oliver Twist sa patuloy na pagsuporta ng taong bayan dito.

Ang love notes with Oliver Twist ay ang pinakamahabang radio personality program sa kasaysayan ng radyo sa probinsya ng North Cotabato. Karen May Tanoja Tamagos, USM Devcom Intern


0 comments:

Mag-post ng isang Komento