Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 patay, 3 sugatan sa shootout sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ February 11, 2014) ---Isa ang nasawi habang tatlo ang naiulat na sugatan sa nangyaring pamamaril sa National Highway, partikular sa barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 5:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ang napaslang na si Jomarie Pinansilo habang sugatan naman ang dalawa nitong mga kapatid na sina Latip at Bano gayundin ang drayber na si Karim Payag.


Ayon sa report, sakay ang apat sa tricycle buhat ng Poblacion Kabacan at pagdating sa nasabing lugar ay pinagbabaril ang biktima ng di pa nakilalang salarin.

Sa ulo tinamaan si Jomarie na naging dahilan ng agara nitong kamatayan habang ang dalawa nitong mga kapatid ay tinamaan naman sa leeg at ang drayber ay nagtamo ng tama sa binti at leeg.

Ang tatlo ay agad na isinugod sa iba’t-ibang bahay pagamutan sa Kabacan.

Mabilis namang tumakas ang suspek papalayo sa bahagi ng Poblacion ng Kabacan.

Agad namang ikinasa ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang dragnet operation para sa ikadarakip ng suspek at inaalam ang motibo sa nasabing pamamaril.

Ito na ang ikatlong kaso ng shooting incident sa Kabacan sa buwang ito lamang. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento