Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

“Kapulisan ng Antipas advocates ng Human Rights at walang sinasaktang tao” –PSI Fornan

(Antipas, North Cotabato/ January 23, 2014) ---Nagtatrabaho ng matiwasay at walang bahid pulitika at walang intensiyon na manira at manakit ng ibang tao ang mga kapulisan.

Ito ang naging reaksiyon ni Police Senior Inspector Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP matapos na sasampahan umano ng kaso ang apat nitong mga tauhan.


Ayon kasi sa report, kakasuhan ng kasong criminal, civil at administrative ang mga ito dahil sa pagsama nila sa pagbantay sa  suspek na sumira sa bahay ng isang 74-anyos na biyuda na taga Antipas.

Sinabi ni Fornan na hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na reklamo hinggil dito.
Dinagdag pa nito na wala umanong katotohanan ang nasabing mga balita.


Kaya umapela ito sa publiko na wag agad pangunahan ang mga balitang di pa legal at di pa rin dumating sa kanilang kaalaman. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento