Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Trailer at Truck nagkabanggan sa Highway ng Kabacan; 1 sugatan

(Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2014) ---Sugatan ang drayber ng Isuzu Truck makaraang aksidenteng mabangga ng trailer sa may bahagi ng National Highway partikular sa Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan alas 4:00 kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP traffic division ang biktima na si Wendil Barrientos Marato, 22 anyos residente ng Cagayan de Oro city.


Ayon sa report minamaneho ng  biktima ang nasabing sasakyan na may license plate KVY-989 ng mabangga ng tractor trailer na minamaneho Dexter Orence, 35 anyos, may asawa at residente ng Barangay Pisan.

Yupi ang likurang bahagi ng Truck habang nagtamo naman ng ilang pinsala ang trailer ito dahil sa nawalan ng control ang nasabing tractor trailer.


Sa ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa nasabing insedente. Jerry Saac

0 comments:

Mag-post ng isang Komento