Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mister sugatan habang kalaguyo nito kritikal matapos na tagain ng Misis sa Arakan, North Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ January 27, 2014) ---Patuloy na nagpapagaling ngayon sa Cotabato Provincial Hospital ang kalaguyo ng isang 36-anyos na mister matapos na pagtatagain ng mismong misis nito sa Barangay Malibatuan, Arakan, North Cotabato kamakalawa.

Ayon kay PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP kinilala nito ang biktima na si Rolyn Capungha sinasabing kalaguyo umano ni Roger Hipona Ibias na nagtamo naman ng malubhang saksak matapos na mahuli sa akto ng misis nito na kinilalang si Melinda Ibias na nagtatalik sa mismong bahay nila.


Dumilim umano ang paningin ng misis at dahil sa di nito makaya ang kababuyang ginagawa ng mister at ang kalaguyo nito, kanyang kinuha ang itak at tinaga ang biktima at pa ito makuntento pinagsasaksak pa nito ng kutsilyo ang mister.

Hubo’t hubad namang sumaklolo sa mga kapitbahay ang mga duguang biktima na mabilis namang isinugod ang mga ito sa pinakamalapit na bahay pagamutan sa Antipas. 


Ayon kay Oranza, love triangle ang motibo na lumbas sa kanilang imbestigasyon habang patuloy pa ang ginagawang pagsisiyasat ng Arakan PNP. Rhoderick BeƱez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento