Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

37-anyos na tulak droga, tiklo sa buybust operation sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 27, 2014) ---Kalabuso ngayon sa Kabacan lock-up cell ang pinaniniwalaang tulak droga matapos na masakote ng mga otoridad sa isinagawang buybust sa Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato ala 1:15 kahapon ng hapon.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Nasser Gonsang Alias Nasser, 37-anyos, kasado at residente ng Mapanao Extension ng bayang ito.

Narekober mula sa posisyon ng suspek ang 2 piraso ng plastic heat sealed sachet na naglalaman ng white crystalline substance na methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu at P500 na marked money.

Naaresto si Nasser sa isinagawang joint operation ng element ng Cotabato Provincial Police Intelligence Branch, Kidapawan City PNP at ng Kabacan MPS.

Sa ngayon, inihahanda na ng mga kapulisan ang kasong kakaharapin ng suspek na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rhoderick BeƱez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento