Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Naaagnas na bangkay ng batang babae nakitang palutang-lutang sa ilog ng Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ January 27, 2014) ---Nasa state of decomposition nang matagpuan ng isang mangingisda ang palutang-lutang na bangkay ng isang batang babae sa Rio Grande de Mindanao partikular sa Barangay Paidu Pulangi, Pikit, North Cotabato alas 2:45 ng hapon nitong Sabado.

Ayon kay PInsp. Mautin Pangandigan, OIC Chief of Police ng Pikit PNP ang narekober na bangkay ay nasa 7 hanggang 13 taong gulang na batang babae.


May taas na 3’10” walang identification maliban sa suot nitong t-shirt na kulay puti na may naka imprintang blue lizard sa harapan na bahagi nito at nakasuot ng puting short pants bilang pang ibaba nito.

May suot itong silver na hikaw sa kanyang tenga.

Sa ngayon ang narekober na bangkay ay nasa pangangalaga ng Villa Funeral Homes dito sa bayan ng Kabacan.


Patuloy naman ang panawagan ng kapulisan sa may mga kamag-anak na nawawala na puntahan ang narekober na bangkang sa nasabing morge para malaman ang pagkakakilanlan nito. Rhoderick BeƱez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento