Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

29-anyos na tulak droga, arestado ng Matalam PNP

(Matalam, North Cotabato/ January 28, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang 29-anyos na tulak droga makaraang maaresto ng Matalam PNP alas 11:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PCInps Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang suspek na si Abdulkarim Daginday Unsil residente ng Purok Tagumpay, Barangay Marbel, Matalam.


Nahuli ang suspek sa isinagawang highway check ng kapulisan sa National Highway ng Matalam-Kabacan partikular sa harap ng Sea Oil Gasoline Station ng Poblacion.

Narekober mula sa posisyon ng suspek ang dalawang piraso ng plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shabu maliban pa sa nakuhanan din ito ng isang unit ng 9mm Pietro Beretta Pistol at mga bala ng 9mm magazine.

Bukod dito nakuha din sa suspek ang drugs paraphernalias kagaya ng aluminum foil, at ilang mga piraso ng empty size na plastic sachet at ang minamaneho nitong sasakyan na Yamaha 125 na kulay asul at pula.


Sa ngayon nasa kustodiya ng Matalam PNP ang suspek habang inihahanda na ang kasong kakaharapin nito. Rhoderick BeƱez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento