Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

40 anyos na magsasaka, patay sa pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 23, 2014) ---Patay ang isang 40 anyos na lalaki matapos pag babarilin sa Sitio Lumayong,Barangy. Kayaga Kabacan,Cotabato alas 11:30 ng umaga kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Mads Matalam residente ng Kilangan, Maguindanao.

Batay sa inisyal na report, lulan ng motorsiklo na bajaj na walang plaka ang dalawang suspek.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likod na tumagos sa dibdib nito ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Agad namang tumalilis papalayo ang mga suspek na riding tandem sa di malamang direksiyon.

Wala pang malinaw na motibo ang mga otoridad sa panibagong shooting incident habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Rhoderick BeƱez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento