Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ambush; 1 patay, 1 sugatan

(Banisilan, North Cotabato/ January 23, 2014) ---Patay ang isang helper ng truck habang sugatan naman ang dalawa nitong kasama sa nangyaring ambush sa highway ng Banisilan, North Cotabato alas 9:00 kagabi.

Kinilala ni Army’s 602nd Brigade spokesman Capatain Antonio Bulao ang nasawi na si Balong Martinez habang malubhang nasugatan naman ang kasama nitong si Michael Palmes na kapwa residente ng Banisilan, North Cotabato.


Ayon kay Bulao ang jeep na sinasakyan ng mga biktima ay lulan ng saku-sakong mga mais habang papunta sa Sitio Puting Bato, Barangay Kiaring ng ambushin ng mga suspek gamit ng matataas na uri ng armas.

Di pa mabatid ni Bulao kung anu ang motibo sa nangyaring ambush.

Malaki ang paniniwala ni Bulao na posibleng may kinalaman ito sa away ng grupo dahil ang biktima ay kamag-anak ng isang punong barangay sa Banisilan na may kaugnayan sa isang grupo sa lugar.

Hindi rin umano extortion o robbery dahil buo naman ang mga lulan na saku-sakong mais ng nasabing sasakyan, ayon kay Bulao. Rhoderick BeƱez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento