Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Biyenan, manugang at apo nagtagaan sa Midsayap, North Cotabato; 3 sugatan

(Midsayap, North Cotabato/ January 21, 2014) ---Sugatan ang magkamag-anak ng magtagaan ang mga ito sa Purok Sto. Nino, Midsayap, North Cotabato alas 9:20 kagabi.

Kinilala ng mga pulisya ang mga biktima na sina Terzo Ferolin 61 anyos, Cristituto Comichod 49 at Jekie Comichod 19 residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya lasing umanong dumating si Cristituto Comichod sa kanilang tahanan at nagwawala dahil nanghihingi ito ng pera sa kanyang anak para ibili ng inumin.

Pinagsabihan ito ng biyenan na si Ferolin ang kanyang manugang na matulog na ngunit biglang nagalit si Comichod at tinaga ng kanyang dalang itak ang matanda ngunit niyakap ito ng apo kaya tinamaan sa ulo ang binata.


Mabilis namang kumuha ng kanyang itak si Lolo at nakipagtagaan ito sa kanyang manugang.


Mabilis na nagresponde ang mga Barangay Opisyal at Brgy Tanod kung saan naawat ang pagtagaan ng magkakamag-anak.


Kapwa naisugod sa Amado Diaz Foundation Hospital sa bayan ng Midsayap ang mga sugatan ngunit inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City si Cristituto Comichod dahil nasa masilan itong kondisyon dahil nagtamo ito ng maraming taga sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.


Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa naturang pangyayari.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento