Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek na nanaksak sa 50-anyos na lalaki sa Kabacan, kinasuhan na!

(Kabacan, North Cotabato/ November 14, 2013) ---Naisampa na ng Kabacan PNP kamakalawa ang kasong kakaharapin ng suspek na pumatay sa isang 50-anyos na lalaki sa Kabacan.

Ito ang sinabi ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP matapos mapatay ang biktimang kinilalang si Primo Calamagan sa saksak ng suspek na si Ramil Mandil, 30-anyos at residente ng Ma. Clara Extension, Poblacion, Kabacan, North Cotabato.

Inundayan umano ng saksak ng suspek ang biktima sa tiyan gamit ang Kutsilyo dahilan ng agarang kamatayan ni Calamagan matapos na magkainitan mga ito habang nag-iinuman bandang alas 10:30 ng gabi noong Biyernes.

Samantala, naisabay din ang pagsasampa ng kaso ngayong araw sa dalawang mga carnapper na nahuli sa pagpapatrolya ng pulisya kamakalawa sa may bahagi ng Sunrise Drive at Sinamar 2.

Sinampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa comelec gun ban matapos na mahulihan ng mga baril. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento