Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nirentahang traysicab at drayber, nawawala?

(Kabacan, North Cotabato/ November 13, 2013) ---Idinulog ng isang Ginang sa Kabacan PNP ang nawawalang kamag-anak nito mga ilang araw na ang nakalilipas matapos dinala ang nirentahang traysicab sa di malamang lugar.

Sa panayam ng DXVL News kay Ginang Thelma Carorocan residente ng Purok Aglipay, Kabacan, Cotabato na mag-iisang linggo na umanong hindi umuuwi ang kanyang kamag-anak na kinilalang si Gabriel Alfisar, 27-anyos, binata at residente ng barangay Kilagasan ng bayang ito.


Dagdag ni Carorocan na nagpa-alam umano sa kanya ang nasabing binata na rentahan ang Kawasaki Bajaj na may plakang MV 2389 at may body control number na 0114 para ipamasada pero hanggang ngayon di pa nakabalik.

Patuloy ngayon ang panawagan ng ginang sa sinuman ang nakakita ngnasabing sasakyan na kung maari ay ireport sa pulisya o di kaya sa kinauukulan upang maka-uwi na rin ang kanyang kamag-anak. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento