Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 arestado sa paglabag sa Comelec gun ban sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 10, 2013) ---Arestado ang dalawa katao matapos mahulihan ng mga baril sa may corner ng Sinamar 2, Poblacion, Kabacan, cotabato alas 7:00 ng gabi noong Huwebes.

Kinilala ni PCinsp. Jordine MAribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Mama Andog, 25-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Marbel, Matalam, North Cotabato na nakuhanan ng 20gauge  homemade pistol na naglalaman ng live ammo habang tiklo din ang kasama nitong nakilalang si Julan Sangkilan, 18-anyos at residente ng Plang Village, Pobalcion ng bayang ito.

Narekober naman kay Sangkilan ang 20gauge ammo.

Ang mga suspek ay agad na dinala sa Kabacan MPS habang inihahanda ang kasong kakaharapin ngmga ito na paglabag sa RA 8294 at comelec gun ban.

Nahuli angmga ito sa patuloy na oplan sita at oplan kap-kap bakal na isinasagawa ng Kabacan PNP. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento