Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

34-anyos na Magsasaka, patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ November 16, 2013) ---Patay ang 34-anyos na magsasaka habang lulan sa kanyang motorsiklo ng pagbabarilin ng riding in tandem assassins sa may bahagi ng Sitio Lumayong, Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 12:55 ng tanghali (November 12, 2013).

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Nakan Salapudin, may asawa at residente ng Kilangan, Pagalungan, Maguindanao.


Sa inisyal na pagsisiyasat, sakay umano ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang pamangkin kasama ang anak nitong babae na ang-kas ng sundan ang mga ito at pagbabarilin ng mga suspek habang tinatahak ang kabahaan ng National Highway.

Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.

Naisugod pa sa pinakamalapit na bahay bahay pagamutan dito sa bayan ng Kabacan si Salapudin pero ideneklara na itong patay ng mga attending physician.

Agad namang tumakas ang mga suspek papalayo sa bahagi ng Nimbalod, Datu Montawal, Maguindanao matapos maisakatuparan ang masamang balakin.

Hindi pa malinaw kung anu ang motibo sa nasabing pamamaslang habang nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon ng mga pulisya. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento