Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Commitment Order sa rape suspek na taga-Matalam, North Cotabato; ilalabas na!

(Matalam, North Cotabato/ November 16, 2013) ---Hinihintay na lamang ang commitment order sa rape suspek na nahuli ng mga operatiba ng North Cotabato Crime  Investigation and Detection Group sa Sitio Dimomoyong, Barangay Kibia, Matalam, North Cotabato, dakong alas 3:30 Kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas Badoy ,27-anyos na residente ng nabanggit na lugar.


Ayon kay North Cotabato CIDG Head Chief Inspector Elmer Guevarra si Alyas Badoy ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Laureano Alzate ng RTC Branch 22 sa Kabacan, North Cotabato.


Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa CIDG lock-up cell habang hinihintay ang commitment order mula sa korte. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento