Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kalihim ng Barangay, tumba sa shootout; 1 sugatan

(Maguindanao/ November 15, 2013) ---Patay ang Barangay Secretary habang sugatan naman ang isa pa makaraang pagbabarilin ang mga ito ng riding in tandem pasado alas 8:00 ng umaga kamakalawa sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.

Kinilala ni Datu Abdullah Sangki PNP Chief of Police Insp. Blayn Lomas-eang nasawing biktima na si Ruth Elumba, Secretary ng Barangay Mao ng nasabing bayan habang kinilala naman ang nasugatan na si Annabelle Burton, Treasurer naman ng nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nag-aabang lang ng masasakyan ang dalawang Barangay officials nang biglang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek na nakasuot ng bonnet.

Narekober sa crime scene ang mga empty shells ng kalibre 45 na baril.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung may kinalaman sa politika ang motibo at inaalam kung suno ang posibleng nasa likod ng nasabing pamamaril.

Nabatid na maging ang mga kaanak ng mga biktima ay blangko din kung sino ang posibleng makakagawa nito sa mga biktima. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento