Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki patay matapos mabangga ng motorsiklo

(Matalam, North Cotabato/ November 23, 2013) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 36-anyos na lalaki matapos na aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo sa Matalam North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Ricardo Loquias,residente ng Poblacion Matalam,Cotabato.
Sa inisyal na pagsisiyasat,tumatawid ang biktima sa kalsada ng aksidenteng mabangga ng motorsiklong minamaneho ni Jersa.

Nagtamo ng matitinding sugat sa katawan ang biktima na kaagad isinugod sa pinakamalapit na ospital subalit hindi na umabot na buhay.


Sugatan rin sa aksidente ang angkas ni Jersa na si Alexander Jacobo.


Kasalukuyang naka-impound sa Matalam police station ang motorsiklo habang pinag-iisipan pa ng pamilya ng kung magsasampa na kaso sa driver ng motorsiklo. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento