Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 Patay sa Robbery hold-up sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ November 19, 2013) ---Napaslang ang isang negosyante matapos na mabaril makaraang manlaban ito sa mga hold-aper sa nangyaring shooting incident sa Public Market ng Pikit, North Cotabato pasado alas 5:00 kahapon (November 17, 2013).

Kinilala ni PCInsp. Joefrey Todeño, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Limbas Maguindiga, 31-anyos, may-asawa at residente ng Sitio Lamak, Poblacion, Pikit.


Ayon sa report, nag-sasara na umano ng kanyang pwesto ang biktima sa pamilihang bayan ng bigla na lamang lumitaw ang dalawang di pa nakilalang suspek at agad na hinablot ang bag ng biktima na naglalaman ng kanyang koleksiyon na abot sa P10,000 at dalawang Nokia Cell phones.

Nanlaban pa umano si Maguindiga dahilan para barilin ito ng isa sa mga riding in tandem lulan sa isang kulay itim na Bajaj motorcycle.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala ang negosyante sa dibdib na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Naisugod pa ang biktima sa Cruzado Hospital pero binawian na rin ito ng buhay.

Narekober sa crime scene ang 2 slugs ng kalibre .45 na pistol na siya’ng ginamit ng mga suspek sa pamamaril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek tangay ang nasabing halaga ng pera.

Patuloy pa ang ginagawang pursuit operation ng Pikit PNP. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento