Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Opisyal ng Peace Zone sa Tulunan, NCot; pinulong!

(Tulunan, North Cotabato/ November 23, 2013) ---Nais ng mga opisyal na sakop ng Peace Zone sa Tulunan, North Cotabato na panatilihin ang kapayapaan sa lugar.

Ito sa pamamagitan ng pagpupulong sa mga lider ng Bituan Peace Zone Council sa layuning mapatatag pa ang kapayapaan at katahimikan sa lugar.
Pinangunahan ni Tulunan Mayor Lani Candolada ang nasabing pagpupulong kasama si BPCZ Chairman Max Casulukan.


Ayon kay Casulukan,nakapagplano na sila ng mga inisyal na hakbang upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa area na kinasasakupan ng peace zone.


Isa na narito ay ang pagrerepaso sa probisyon na accreditation nito sa inter-peace zone development council, pagsasagawa ng regular na dayalogo at constitution ng peace zone development.


Ang nasabing hakbang ay bilang tugon sa nauna ng ipinahayag ni Candolada na muling rebisahin ang mga probisyon at deklarasyon ng peace zone. Rhoderick Beñez







0 comments:

Mag-post ng isang Komento