Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mister, patay sa pamamaril; suspek, nasakote ng Carmen PNP

(Carmen, North cotabato/ July 11, 2013) ---Patay ang isang mister makaraang barilin sa Purok 2, Poblacion, Carmen, North cotabato alas 8:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Franklin Anito, hepe ng Carmen PNP ang biktima na si Boyet Dumili, nasa tamang edad, may asawa at resident eng Sitio Dumayas, Brgy. Maligaya, Malaybalay Bukidnon.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, nag-iinuman umano ang biktima kasama ang suspek sa isang tindahan.

Matapos na maubos ang nilalaklak na alak, umalis ang dalawa sa nasabing tindahan ilang minuto ang nakakaraan pagkaalis ng dalawa ay narinig ang umaalingawngaw na putok ng baril.

Sa report, tinumba umano ng suspek sa matapos na barilin sa likod ang biktima gamit ang di pa matukoy na uri ng baril.

Bulagta si Dumili makaraang tinamaan sa likod.

Agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang PNP sa pangunguna ni Supt. Franklin Anito kungsaan agad namang nahuli ang suspek na kinilalang si Rogie Palma Donasco, 28, binatilyo at residente rin ng Malaybalay, Bukidnon.

Personal grudge ang isa sa mga nakikitang motibo sa nasabing pamamaril.

Sa ngayon kalaboso ang biktima at naghihimas ng malamig na rehas bakal sa Carmen PNP lock up cell habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento