Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga bagong Service Firearms, hindi pa dumating sa Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 12, 2013) ---Wala pang mga bagong baril na dumating ngayon sa Kabacan PNP matapos na iniulat ng Philippine National Police na darating ngayong linggo ang bagong Glock na pistol.

Ito ang nabatid ng DXVL News mula sa Kabacan PNP ngayong araw.

Anila, nitong nakaraang linggo pa umano isinagawa ang turn-over sa Amas Provincial Headquarters pero sa Kabacan PNP ay hindi pa ito dumating.

Batay sa report kasi, nakabili ng 65,000 na bagong pistol ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas na ipapamahagi sa lahat ng mga pulis na wala pang service firearms.

Samantala, nakita sa CCTV ang suspek na responsableng naghagis ng granada sa harap ng RTC branch 22 malapit sa barangay hall ng Poblacion na nasa Municipal compound noong gabi ng Hulyo a-6.

Batay sa kuha ng camera, paikot-ikot pa umano ang mga salarin na riding in tandem sa mga pangunahing kalye ng Poblacion bago tumungo sa National Highway.

Huminto ang dalawa sa gilid ng Barangay Hall, bumaba ang isang angkas, nagmatyag kung may taong nakakita sa kanila at ng maka-tiempo ay agad na itinapon ang granada.

Batay sa reply ng cctv, di pa nakalayo ang mga ito ay sumabog na ang granada, hindi pa maklaro ang mukha ng mga suspek ng ito ay i-zoom sa CCTV. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento