Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lola, patay sa pamamaril sa Kabacan, NCot

(Kabacan, North Cotabato/ July 8, 2013) ---Bulagta ang isang 63-anyos na lola makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang salarin sa National Highay, na nasa Rizal St., Poblacion, Kabacan, Cotabato partikular sa harap ng Galindo Residence alas 8:30 kagabi.

Kinilala ni PInsp. Samuel Bascon ng Kabacan PNP ang biktima na si Perla Toledo Balod, biyuda, senior citizen at residente ng nabanggit na lugar.


Pinagbabaril umano ng di pa nakilalang salarin ang biktima hanggang sa mapatay gamit ang .45 na pistol, batay sa dalawang fired cartridge ng mga bala na narekober sa crime scene.

Mabilis na tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon habang nagpapatuloy naman sa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril.

Agad namang inatasan ngayon ni Mayor Herlo “Jojo” Guzman, Jr. ang mga kapulisan na paiigtingan ang pagbabantay sa bayan matapos rin ang pag-granada sa mababang hukuman ng Kabacan na nasa loob pa mismo ng municipal compound ng LGU Kbacan nitong Sabado ng gabi. (Rhoderick Beñez) 


0 comments:

Mag-post ng isang Komento