Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Binata, patay sa pamamaril

(Kidapawan City/ July 17, 2013) ---Patay ang 25 anyos na binata makaraang pagbabarilin ng suspek sa may Villamarzo Street sa Kidapawan City, alas 6:45 kagabi.

Kinilala ng Kidapawan city PNP ang biktima na si Eric Ganzon Comania tubong Davao city.

Sa inisyal na pagsisiyasat tatlong tama ng bala sa ulo at leeg ang tumapos sa buhay ng biktima.
Ayon sa isang testigo, nakita niya ang paglapit ng lalaking naka-bonnet sa biktima at binaril ito ng tatlong beses sa ulo.

Pagkatapos raw ng pamamaril, sumakay ang suspect sa isang nakaparadang motorsiklo, di kalayuan sa kinalalagyan ng biktima at humarurot palabas ng highway.

Na-recover sa crime scene ng team ni Police Officer 2 Mepheboset Himalaya, investigator-on-case ng Kidapawan City PNP, ang dalawang basyo ng bala mula sa caliber 45 pistol.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Himalaya, isa sa tatlong mga bala na tumama sa biktima bumaon pa sa ulo nito.

Patuloy pang inaalam ang motibo sa pamamaril. (Rhoderick Beñez)





0 comments:

Mag-post ng isang Komento