Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Silver Anniversary ng IMEAS-USM; pinaghahandaan na!

(USM, Kabacan, North cotabato/ June 20, 2013) ---Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan ng Local Government Student o LSG ng Institute of Middle East and Asian Studies o IMEAS-USM ang nalalapit na ika-25 taong anibersaryo ng institusyon.

Ayon kay IMEAS-LSG Governor Lahmodin Balabagan kasabay ng anniversary program ay gagawin din ang kauna-unahang grand alumni homecoming sa Hunyo a-29 ng kasalukuyang taon.


Suportado naman ni IMEAS Dean Dr. Abubakar Murray ang nasabing aktibidad.

Nakasentro ang selebrasyon sa temang “Reaching for Silver Lining: 25 Years of Upholding Relevant Tertiary Education in the field of Islamic Education and International Relations”.

Kaugnay nito, puspusan ngayon ang ginagawang paghahanda ng IMEAS LSG sa tulong ng kanilang adviser na si Abdulgani Yusop.

Gagawin ang programa sa Salipada K. Pendatun Hall, IMEAS, USM, Kabacan, Cotabato.

Sa nasabing programa, imbitado ang lahat ngmga indibidual na nagging bahagi ng adbokasiya sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon mga kabataang Mindanaoan. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento