Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao huli dahil sa illegal possession of firearms sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ June 19, 2013) ---Huli sa checkpoint ng Task Force Cotabato ang dalawa katao matapos makuhanan ng di lisensyadong baril sa may national highway ng Kidapawan City, kamakalawa.
      
Kinilala ng Kidapawan City PNP ang mga inaresto na sina Rey Manzano, 40, isang seaman at taga-Barangay Batasan, Makilala, at ang driver ng Toyota Revo na si Nestor Nable Orongon, 59, na taga-Apo Sandawa Homes Phase 2 ng Kidapawan City.
      

Ayon sa report, kabilang ang sasakyan ni Orongon sa mga pinara at tsinek-up ng mga sundalo sa may national highway.     
      
Nakita ang Uzi sub-machine gun at isang magazine sa loob ng sasakyan, kasama ng mga fighting cocks.
      
Nang hanapan ng papeles, walang maipakita si Manzano.
      
Deretso ang dalawa sa Kidapawan City PNP pero makalipas ang ilang oras ay pinalaya ang driver na si Orongon matapos mapatunayang ang Revo ay nirentahan lang ni Manzano.
      
Kakasuhan si Manzano ng illegal possession of firearms. (Malu Manar)  




0 comments:

Mag-post ng isang Komento