Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

40-anyos na magsasaka, patay sa pamamaril sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ June 21, 2013) ---Patay on the spot ang isang 40-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang suspek sa Kalye Putol, Purok Chrislam, Matalam, North Cotabato alas 11:25 ng umaga kakalawa.

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Muhamad Ali residente ng nabanggit na lugar.

Sa report na ipinarating ni SPO1 Froilan Gravidez sa DXVL News habang nasa labas umano ng bahay nila ang biktima habang may tao umanong sinusunggaban ang gate ng kanilang bahay.

Nang lumabas ang biktima, walang abu-abong pinagbabaril si Ali ng di kilalang suspek.

Nagtamo ang biktima ng iba’t-ibang tama ng bala na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng .45 na pistola na siya’ng ginamit ng suspek sa pamamaslang.

Personal grudge ngayon ang tinitingnang motibo ng Matalam PNP sa panibagong shooting incident sa bayan. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento