Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magkapatid, patay sa baha sa Maguindanao

(Pagalungan, Maguindanao/ June 20, 2013) ---Napaaga ang salubong ni kamatayan sa magkapatid na bata makaraang lamunin ng tubig-baha sa Pulangi River sa Barangay Damalasak sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Maguindanao PNP director P/Senior Supt. Rodelio Jocson, kinilala ang mga biktima na sina Nor Halim Sumangka, 7; at Arzalin, 5, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. 

Napag-alamang naglalaro ang mag-utol sa likuran ng kanilang bahay nang aksidenteng mahulog sa gilid ng Pulangi River.

Nilamon ng malakas na tubig-baha ang magkapatid at hindi na nagawang mailigtas pa ang ilang residente. Natagpuan ang katawan ng mga biktima matapos lumulutang sa ilog. (Rhoderick Beñez)





0 comments:

Mag-post ng isang Komento