Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pulis sa Pres. Roxas, patay makaraang pagbabarilin habang nagsisilbi ng search warrant

(Pres. Roxas, North Cotabato/ June 20, 2013) ---Patay ang isang mataas na opisyal ng pulis ng iginagawad nito ang search warrant for gun possession ng barilin sa Barangay Greenhills alas 4:30 ng madaling araw kahapon.

Kinilala ang biktima na siSenior Police Officer 2 Eldorado Dolloso ng President Roxas PNP.

Ayon kay Senior Inspector Marlou Dolar, chief of President Roxas PNP nanlaban umano ang kasapi ng Pamilya Pepito ng ibinigay ng biktima ang search warrant na inisyu ni Judge Arvin Sadiri Balagot.

Ang korte ang nagbigay ng kapangyarihan sa team ni Dolloso para magsagawa ng pagsiyasat sa bahay ni Willie Sagucom Pepito kasama ang anak nito na si Kokoy.

Pero imbes na hayaang magsagawa ng search ang mga pulis sa kanilang pamamahay sinalubong ang mga ito at pinagbabaril ang pulis na magsisilbi ng search warrant.

Sa ulo ang tama ni Dolloso at mabilis na dinala sa Antipas Medical Special Hospital sa kalapit na bayan sa Antipas pero habang ginagamot ay namatay ang biktima.

Matapos ang pamamaril agad namang tumakas sa di malamang direksiyon ang suspek.

Ang pamilya Pepito, ayon sa report ay inakusahan ng paglabag sa Presidential Decree 1866 as amended by Republic Act 8294 o pagdadala ng baril na walang lisensiya.

Sinabi ng pulisya na hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento