Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tumatakbong councilor sa bayan ng Banisilan, North Cotabato; patay sa pamamaril

(Banisilan, North Cotabato/ April 29, 2013) ---Patay ang isang tumatakbong councilor sa ilalim ng partidong UNA sa bayan ng Banisilan makaraang pagbabarilin sa Purok New Paradise, Poblacion ng nabanggit na bayan bago mag-alas 7:00 kagabi.


Kinilala ng Banisilan Police ang biktima na si Omar Cabilo Gapor residente ng nabanggit na lugar, kandidato sa pagka konsehal.

Ang biktima pinagbabaril ng di pa nakilalang supek gamit ang .45 na pistol.

Nangyari umano ang insedente matapos ang ginawang political rally ng UNA sa nasabing lugar.

Agad naming tumakas ang suspek matapos ang insedente sa di malamang direksiyon.

Rido ang sinusundang motibo ngmga otoridad sa nasabinbg pamamaril, ayon sa report ng Banisilan PNP habang patuloy pa ang ginagawa nilang malalilamang imbestigasyon. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento