Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa P44 na halaga ng gamit, nilimas ng mga magnanakaw sa isang Boarding House sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Nilimas ng mga di pa nakikilalang salarin ang mga gamit at iba pang mahahalagang dokumento sa isang Curato Boarding House Pob. Kabacan, Cotabato sa di matukoy na oras kamakalawa.

Ayon sa Kabacan PNP, tinangay ng di pa nakikilalang suspek ang mga kagamitan nina: Jan-jan  Sanchez, Richard labindao, Dave Pagayon, parehong 17 yrs. old at si Marlon Labindao, 21, yrs. old, binata pawang estudyante ng USM at residente ng Carmen Cotabato na kasalukuyang nangungupahan sa naturang boarding house.

Kabilang sa mga natangay na kagamitan ay isang unit ng cellphone nokia, 19 na piraso ng long pants, 10 piraso ng short pants, assorted shirts, bags, portable radio, adidas shoes, perfume, jackets, at mahahalagang dukomento gaya ng school ID, school assessment form at workbooks na sa pangkalahatan ay tinatayang nagkakahalaga ng P 44, 610.

Sa ngayon patuloy parin ang ginagawang imbistigasyon sa naturang insedente. (Cheremel Paguital)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento