Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga kawatan muling naglipana na naman sa Kabacan, mga latops, pinupunterya


(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Nilooban ang bahay ng isang guro sa may Sinamar 1, Poblacion, Kabacan kahapon ng umaga.

Ayon sa report, tinangay ng di pa nakilalang salarin ang 1 unit na laptop ni Juliet Cabucos, 35 at residente ng nabanggit na lugar.

Naki-burol umano ang biktima sa bayan ng Aleosan ng maganap ang insedente.


Samantala, niransak din ng mga kawatan ang isang electrical shop sa may National Highway, Kabacan.

Nilimas mula sa nasabing establisiemento ang limang kilo na magnetic wire, ayon kay Salvador Tangga, 40, residente ng Abellera St. ng bayang ito at may ari ng electrical Shop.

Bukod dito, nilooban din ang Pobleti Boarding House na nasa 1st Block, Villanueva Subd. kamakalawa.

Pinasok ang Room 4 at tinangay ng mga di pa nakilalang magnanakaw ang laptop at iba pang mga gamit.

Naganap ang inssedente sa pagitan ng alas 2-3 ng madaling araw.

Tinutukan pa umano ang biktima ng kutsilyo dahilan kung bakit din a nakapalag ang suspek dahil rin sa takot.

Nabatid na naireport din umano ang nakawan ng motorsiklo sa nasabing boarding house. (Rhoderick Beñez)



1 komento:

  1. 2nd to the last paragraph may erratum po dun, di nakapalag ang biktima.... thanks...

    TumugonBurahin