Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Magkawilay na insedente ng nakawan sa Kidapawan city; inireport


(Kidapawan city/ February 25, 2013) ---Ninakawan ng mga di pa kilalang magnanakaw ang bahay ng dalawang negosyante sa Old PC Barracks, Sudapin Kidapawan City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Kidapawan PNP ang isa sa may ari ng nasabing bahay na si Saanading Macabantog biyente nuebe, may asawa at resedente ng nabanggit na lugar.


Ayon kay Macabantog, pwersahang sinira ng mga salarin ang jelousy ng kanilang bintana at ginawa itong entry point. Tinangay di umano ang dalawang nokia cellular phones.

Kaugnay nito, nilooban din si Apipah Romato, at tinangay ang susi ng kanilang motorsiklo, isang unit ng cellular phone at cash na nagkakahalagang sampung libong piso. (Angelo Traya DXVL news)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento