Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Motorsiklo; ninakaw sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Tinangay ng di pa nakikilalang suspek ang isang single na motorsiklo sa Villanueva Subdivision, Pob. Kabacan, Cotabato partikular sa Poblete Compound nitong Sabado sa di malamang oras.

Ayon sa Kabacan PNP, ang nasabing motorsiklo ay isang kulay itim na single XRM 125 na may plakang 4181MK.

Ang nasabing motorsiklo ay may-mamay-ari ni Melanio Louie Cunanan, 29 yrs. old, binata, guro ng USM.

Ayon sa report, tingangay ang motorsiklo habang nakaparada sa tapat ng inuupahang kwarto ng biktima.

Bukod sa motorsiklo, nilimas din ng salarin ang ilang mga gamit ng boarders nitong mga nakaraang araw at natangay ang laptop at iba pa.

Sa ngayon, masusi paring iniimbistigahan ng mga pulisya ang naturang insidente.

Ito na ang ikaanim na insedente ng nakaw motorsiklo sa Kabacan, pero ni isa wala pang narekober ang mga otoridad. (Cheremel Paguital)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento